Powered By Blogger

Tuesday, February 14, 2006

Araw ng mga PUSA(kal)

Aba, ngayon pala ay Araw ng mga Puso
Inaway ko na naman, kakuskusan ng nguso
Siguro ay dahil may PMS na naman ako
O talaga lang yata na sadista raw ako.

Bakit ba kailangang may pakner parati
Kapag dumating ang ika-14 ng February?
Mukhang kawawa tuloy pag ikaw ay single
Walang magawa kundi maglaro ng tinggel.

Makaalis na nga at baka kung ano pa
Ang mai-post ko na biglang ikanganga
Ng mga natutuwa at mga naiinis sa akin
Diyan na kayo at tawag ako ng pamangkin.

P.S.
Hindi na po bago at matagal nang isinulat
Nai-post ko lamang nang aking mabuklat.

No comments: