Powered By Blogger

Saturday, May 30, 2009

Panatang Makalabcat

(Para sa Pusang Ina Ko)

Iniibig ko ang Cat House,
Maging pusakal ma'y pipiliin itong tambayan,
Ito'y tahanan ng ngumingiyaw na angkan,
Sa piling ng pusang ina, ika'y kukupkupin at susuportahan,
Upang maging magaling at makapag-post ng kaabang-abang.

Bilang ganti, hindi ko gagamitin ang aking mga kuko
sa walang saysay na kalmutan,
Susundin ko ang mga alituntunin ng laboratoryong
aking kinabibilangan,
Tutuparin ko ang mga ito hanggang sa ang mga balahibo
ay magsilagasan.

Paglilingkuran ko itong Cat House nang walang pagdadamot
kahit tinik ng isda lang ang nasa hapag-kainan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Labcat,
Sa CATalasan ng isip, CATalinhagaan ng salita,
at CATagumpayan ng gawa.

Meowrrr!

NOTE: This is the winning entry for my "Panatang Makalabcat" contest for my kitty cats. The author of our version of the cat oath of allegiance is the wily and wacky winsum82.

1 comment:

Unknown said...

I place my paws on my chest and say it out loud.

Miss ya El Gato Mudra.