Powered By Blogger

Sunday, September 18, 2011

Facebook Arnimalisms: Series 7

1) Magpasaya ng iba para mas maging masaya ka.

2) Huwag mo akong babatukan kung ayaw mo ng suntukan.

3) Ang tunay na kaibigan ay nanlilibre, hindi parating nagpapalibre.

4) Ahem. Ang mga girlfriends ay pagsabihan. Huwag akong pagselosan.

5) Ayoko ng BF na guwapo kasi selosa ako.

6) Huwag magreklamo kung di ka naman bumoto.

7) Mas mainam mangulit kesa manglait.

8) Masakit manakit kahit hindi pangit.

9) Huwag kang nanghihingi para magbigay ako. Nakaka-turn off eh. Lalo na pag pasalubong galing Tate. Hindi naman ako nangingitlog ng dolyar dito. Oo, joke lang sabi mo pero nakaka-turn off ang ganyang biro. Gusto ko lang malaman mo.

10) “Naiintindihan naman kita pero sana maintindihan mo rin ako.” Hindi ko maintindihan yan. Parang pa-guilty effect iyang mga linyang yan para magawa ng gustong magpaintindi sa ‘yo nang maintindihan mo. Naintindihan mo?

No comments: