Tuesday, November 29, 2011

BioNotes for Lab Peeps

In one link posted by Mark Angeles and Lolito Go (two of my favorite contemporary poets), the website required writers to submit a write-up that does not bore the readers with a list of the writers’ achievements. Lolito came up with a bionote for someone and I followed suit. I couldn’t stop creating one and ended up with the following using the vernacular:

Colleen Kay Sanceda (moonchild): Mas sexy kay Darna. Mahilig maligo sa balon at di gumagamit ng conditioner. Seryoso kapag tulog.

Michael Arsolon (supermikong): Scientist na nagpapanggap na manunula. Fan ni Ron Jeremy. Bihasa sa lengguwahe ng mga elyen.

Francis Montesena (Manong Ninong)
: Matakaw sa kare-kare. Malimit mapagkamalang suplado. Pakipot pag nililigawan online ni Arnivorous.

Mark Angeles (Makoy Dacuycoy): Mahilig sa beef. Malabo ang mga mata. Masakit parati ang likod.

Lolito Go (bum)
: Mahilig magharana gamit ang cellphone. Dating gwapo pero nagpagupit para hindi maging kamukha ni Robin Padilla. Emo.

Harry Fiesta (Dyosa)
: Mas gwapo pag may lipstick sa nipples. Mataray kumatay. Maramdamin kapag bilog ang buwan.

Jennette Bongo (Phoebe)
: Patula-tula pag tulala. Nage-exercise pag nananaba. Pa-emcee-emcee o DJ pag walang magawa.

Michael Ian Lomongo (xn3ct)
: Masamang malasing at gumigiling. Mas gwapong di hamak kay Manny Pacquiao. Hindi halatang magaling mag-English.

Faustino Bunao (oni)
: Nagpapanggap na sabog. Mahilig bumarkada sa naglalako ng fishball. Malaki ang takot sa nanay niya at sa humahabol na asong ulol.

Raywollessen Fortes: (dyagwar)
: Napalipad niya lahat ang iba’t ibang uri ng eroplanong papel. Reincarnation n Major Dick Winters ng "Band of Brothers." Pussy (cat) lover.

Walrus Mucho Plaza (walrus)
: Mukhang walang asawa dahil totoy na totoy ang itsura. Madaling mapatawa pero hindi mababaw. Nagkukunwaring hindi kilala si Maria Ozawa.

Ronald Alisbo (jesusz)
: Sanay mag-costume na naka-straight jacket (leather pa yun!). Religious pag wala sa wisyo. Babysitter ng unico hijo niya.

Vener Santos (bungagerang_lola)
: Mas lalong naging macho nung magpagupit. Machonurin sa GF. Naghihintay pa ring maka-jamming si Matanglawin.

Randel Urbano (Randel)
: Palangiti para maipakita ang kanyang Close Up smile. Magaling makisama kahit walang imported chocolates na suhol. Hindi mapapaamin na mas cute siya kay Dyosang Tink.

Gen Carriedo (purple)
: Mahilig pumatay ng tao sa imahinasyon pag may tangang katabi. Hindi halatang mabait. Kayang kumain ng isang galong ice cream nang hindi tumataba.

Danilo Nino Calalang (xtopherdelux
): Nagpapanggap na makamasa kahit elitista. May multiple personalities. Gahaman sa Reese's chocolates.

0 comments: