Huli ko nang mabasa
E-mail mong padala
At nang aking "buklatin"
Paligid ay nagdilim.
Tumulo ang mga luha pati ang sipon
Biglang naalalala ang dating kahapon
Sumikip ang dibdib at hindi makahinga
Kumuha ng tissue at biglang suminga.
Sumagot sa e-mail nang napakaikli
Pinindot ang send button at napangiti
Bahala si Batman kung ano ang mangyayari
Sigurado ako na walang paring isasali.
Tuesday, February 14, 2006
Araw ng mga PUSA(kal)
Aba, ngayon pala ay Araw ng mga Puso
Inaway ko na naman, kakuskusan ng nguso
Siguro ay dahil may PMS na naman ako
O talaga lang yata na sadista raw ako.
Bakit ba kailangang may pakner parati
Kapag dumating ang ika-14 ng February?
Mukhang kawawa tuloy pag ikaw ay single
Walang magawa kundi maglaro ng tinggel.
Makaalis na nga at baka kung ano pa
Ang mai-post ko na biglang ikanganga
Ng mga natutuwa at mga naiinis sa akin
Diyan na kayo at tawag ako ng pamangkin.
P.S.
Hindi na po bago at matagal nang isinulat
Nai-post ko lamang nang aking mabuklat.
Inaway ko na naman, kakuskusan ng nguso
Siguro ay dahil may PMS na naman ako
O talaga lang yata na sadista raw ako.
Bakit ba kailangang may pakner parati
Kapag dumating ang ika-14 ng February?
Mukhang kawawa tuloy pag ikaw ay single
Walang magawa kundi maglaro ng tinggel.
Makaalis na nga at baka kung ano pa
Ang mai-post ko na biglang ikanganga
Ng mga natutuwa at mga naiinis sa akin
Diyan na kayo at tawag ako ng pamangkin.
P.S.
Hindi na po bago at matagal nang isinulat
Nai-post ko lamang nang aking mabuklat.
Subscribe to:
Posts (Atom)