Powered By Blogger

Monday, January 12, 2009

Pinto

Bukas 'yan dati
labas-masok ka pa nga.
Ni walang paalam
kahit na biglaan.
Dala mo kasi ang susi.
Pero nung huli mong pag-alis
iniwan mo ang susi.
Naisipan kong ikandado.
Pero kahit hindi ka kumatok
bakit ka nakapasok?
Aah ...
nagpa-duplicate ka pala.