Powered By Blogger

Saturday, March 15, 2008

Ang Sagot Sa Tulang "Mas Mabuting Laging Bigo Ang Isang Makata"

(alam mo nang hindi ito para sa kanya)

Natuto akong bumigkas ng "... na mo!"
matapos hagurin ng mga mata ko
ang produkto ng isip at pluma mo.
Hindi mo napansin
na nawala ang kislap
sa mapaglaro kong mga mata.
Nagtago ang ngiti.
Nagkubli ang halakhak.
Dumungaw ang kunot sa noo.
Tinawag mo ako
ngunit ibang pangalan ang iyong nasambit.
Nagulantang tayong dalawa
sa iyong naiusal.
Humingi ka ng paumanhin
na ibinigay ko naman
sapagkat wala akong magawa.
Patuloy na lang akong nakinig
sa iyong mga himutok at hinaing.
Manhid ka ngunit di mo alam.
Ako nama'y nagpapanggap na manhid na rin.

2 comments:

Jethro said...
This comment has been removed by the author.
Jethro said...

ang lalim sobra hirap ko na matarok, haha! More pa! ^_^