Powered By Blogger

Saturday, September 01, 2007

Malas ... waah!

Ang inyong lingkod ay pumunta sa doktor
Para patingnan ang ulong parang may tumor
Matapos mabigyan ng reseta at pauwiin
Napatid naman po at paningin ay dumilim.

Naka-boots kasi kaya ang ankle na-sprain
Iniisip kasi marahil ng heckler na si rain
Bumalik sa doktor para patingnan ang paa
Napakasakit kasi at magang-maga siya.

Binigyan na naman ng reseta at muling pinauwi
Ano ba naman ang arnimal at naduling na muli
Gumulong sa kalye at sumambulat laman ng bag
Nakahandusay sa kalsada at mukhang binalibag.

Ahuhuhu. =(

No comments: