Powered By Blogger

Monday, December 19, 2005

Istoryang di ABAKADA

ni Ate arni na bruha

Ang thread na ito ay para sa mga creative.

Bagito man o batikan ay very receptive.

Charming o pa-cute posts ay puwedeng-puwede.

Dedmahin man ng iba ay hindi na bale.

Ewan ko ba kung bakit ang kulit namin.

Forward ko nga ito sa mga sipunin.

Gentle o gago ay very welcome dito.

Hubo man kung mag-post ay pipikit ako.

Inihaw o roasted man ang iyong feeling.

Join ka lang magnakaw kay gin_bulag ng saging.

'Kala n'yo siguro ay confident ako.

Limutin ko na lang ... mahiyain kamo.

Magsaya tayo sa pagkabuo ng tropa.

'Nak ng aso ko, pangalan ay Coca.

Oops, pasensiya na at ako'y nag-digress.

Para kasing feeling ko ay damsel in this dress ... at stressed.

Quid pro quo ay isang kasabihan

Rayuma ni BLISS aking naiintindihan.

Susme, nawala na po ang aking train of thought.

Tingnan n'yo at sumakay yata sa tren na buraot.

Uy, malapit na matapos ang aking "istorya."

Very incoherent nga lang, pahingi ng pasensiya.

Wala yata ang maggot na uod ng aking utak.

X-ray ang kailangan ng ulo kong may biyak.

Yesssss, patapos na ang post ko ngayon.

Zo, pakisampal lang please nang ako'y huminahon.

Magsulat na po ang mga sira ang ulo! Samahan n'yo ako at nalulungkot ako.

No comments: