Powered By Blogger

Monday, December 19, 2005

Para kay carabao_ english ang ABC story kong Taglish

ni arnivorous arnimal

Ang mamang kalabaw sa taas ay kaaararo lang

Bakit ba inaasar ako at saan po nagkulang?

Cute pa rin naman ako pero hindi na niya type

Dikdikin ko na nga lang para wala ng Grabeh hype.

Ewan ko kung ba't biglang nagkaganito kami

Fafa ko daw po siya dati na hindi mapakali.

Good news na rin at kami ay muling nag-uusap

Hindi ko nga lang alam kung mata niya'y kumikislap.

Idol ko po ang kalabaw na ito sa pagpapatawa

Jologs sa tingin ng marami pero sa aki'y naiiba.

Kulang daw ako sa pansin kaya siya ay hinahabol

Landiin ko ba naman hanggang mapilitang pumatol.

Memories namin ay tunay na katawa-tawa

Naghaharutan parati sa kung saan-saang hibla.

Okay naman kay BLISS dahil busy siya kay kiks

Playing on the field ako at doing it for weeks.

Quaint at strange ang feeling paggawa ng istoryang ito

Really mind-blowing daw po at makukulta ang isip mo.

Sana ay dumami ang mag-aambag ng istorya

Titingnan ko rin kung aabot sa Sabado de Gloria.

Uulitin ko pa rin po ang mga ganitong posting

Very, very persistent makasama mga praning.

Wala akong magawa at gusto kong matapos na

Xciting naman siguro kung ikaw ay nagbabasa.

Yo, tumatango ka ba bilang pag-sangayon?

Zee, natapos rin ang aking istorya sa ngayon.


Anak ng kuwagong puyat
Nakakahingal magsulat.

No comments: